May bagong balita galing sa SSS ukol sa maternity benefits. Gagawin nang MANDATORY ang online application ng Maternity Benefit Applications (MBA) at Maternity Benefit Reimbursement Applications (MBRA) sa pamamagitan ng My.SSS portal sa SSS website.
Hindi na tatanggapin ang Drop box or over-the-counter filing simila September 2021. Dahil magiging online na lahat, wala na rin ang walk-in applications para SSS maternity benefits.

Contents
Important Dates: SSS maternity benefits ONLINE
- Magsisimula itong ipagamit sa May 31, 2021
- Gagawing mandatory simula September 1, 2021
- Hanggang August 31, 2021 nalang ang Drop box or over-the-counter filing
Apektado din ang sickness benefit reimbursement, unemployment, retirement, and funeral sa bagong panukalang ito.

Ano ang maternity benefits application or MBA?
Maternity benefit application (MBA) is for SSS female members who are:
- self-employed
- voluntary
- overseas Filipino worker (OFW)
- non-working spouse members
- separated from employment and have not yet received any advance payment of maternity benefit from their previous employers
Ano ang maternity benefit reimbursement application o MBRA?
Ito ay para sa mga employers, including household employers.
For MBRAs, the receipt of the advance payment by an employer must be confirmed/ certified by the female employed member within seven (7) working days from the date of the e-mail notification sent by SSS.
The member may access the confirmation/ certification facility through the link in the SSS e-mail or the account in My.SSS. If the member fails to confirm/certify within the prescribed period, the claim will be rejected. The employer will have to re-submit or re-file another MBRA as a new transaction.
For cases wherein the member is separated from employment, absence without leave (AWOL), or deceased before filing the claim, confirmation/certification is no longer required.
Sino at ano ang mga apektado sa bagong panukala?
- Solo parent
- Kapag merong mali sa iyong TYPE OF DELIVERY. Halimbawa, from normal to caesarian delivery or from miscarriage to ectopic pregnancy with operation
- Kapag ang SSS computation ay mas mataas kaysa sa employer’s computation;
- Kapag merong dagdag sa contribution mo, pwede mas malaking ang makukuha mong benefit amount
- Kapag kailangan baguhin ang iyong approved number of compensable days from 60 (normal delivery) or 78 (caesarian section delivery) to 105 days; and
- Kapag kailangan i-update ang iyong leave credits na hindi nagamit dahil sa pagkawala ng trabaho ng ama ng bata or kung sinoman qualified alternate caregiver ng bata

Quick facts about SSS maternity benefits
Ano ang SSS maternity benefit?
Ang SSS maternity benefit ay cash allowance para sa mga babaeng myembro ng SSS. Para makakuha nito, dapat meron at least three (3) monthly contributions within the 12-month period immediately preceding the semester of the childbirth, miscarriage, or emergency termination of pregnancy (ETP).
Ang 105-Day Expanded Maternity Leave Law ay nagsimula noong March 11, 2019 kung saan hinabaan ang bilang ng araw ng maternity leave na babayaran ng SSS para sa nanay. Bago nito, 60 araw lamang para sa normal delivery, or 78 days for caesarian section delivery. Dahil sa Expanded Maternity Leave Law, ang maternity leave na babayaran ng SSS ay 105 days for live childbirth—regardless of the type of delivery. An additional 15 days paid leave if the female worker qualifies as a solo parent.
Kung miscarriage or ETP, the entitlement is 60 days of paid maternity leave.
Dahil din sa Expanded Maternity Leave law, pwede kang mag-apply ng Maternity Benefits kahit ilang beses ka manganak. Noon ay hanggang apat lamang na beses pwede makakuha ng benepisyo na ito, ngayon ay wala ng limit.

Ano ang gagawin pag employed?
For employed members, they should notify their employers upon learning about their pregnancy.
Ano ang gagawin pag self-employed, voluntary or OFW?
For self-employed, voluntary, and OFW members, they may submit the maternity notification via the My.SSS portal on the SSS website or through the SSS Mobile App. Members are reminded that only contributions paid prior to the semester of childbirth, miscarriage, or ETP will be considered in determining eligibility for maternity benefits.
DON’T FORGET TO JOIN OUR FACEBOOK GROUP: https://www.facebook.com/groups/sssmaternitybenefits
Makakuha ko ba ng kumpleto ang benefits ko kahit sa health center lang ako nanganak? Bale kalahati pa lang kasi natatanggap ko, waiting pa ulit ako pero 5 months na akong nakabalik sa work ko. Hanggang ngayon wala pa din, kumpleto naman ang requirements ko.
In my case po dati po ako employed ngayon po wala nako trbho last payment april 2019 buntis po ako ngayon EDD ko August 10 2021 papano po ako maka avail ng maternity ben…magvuvulontary po ako and mgpapayment need kopo makaavail di ko alam pano..give me explaination what can i do po slmat.
Ask ko lang po paanu pag hindi ng babayad ung employer ko dati anu po pade gawin pra nahabol ung bwan n d nla nahulugan?
Paano mag pasa nang mga requirements picturan nlang ba?
pano po kung complete papers po at magpa file nlang pwede poba online p din magpasa..?
Pano po ako sa drpbox po ako sumbit ng mat 1 ko po at change to voluntary napo ako ano po ba ang requirments para sa mat2 sept 1 lang po ako nanganak
Pano po mam pag resign SA trabaho Pero may hulog Naman po sss ko 3months pewde po sa maternity leave.
good day paano po ako makakapag file or submit ng mat2 ko sa portal ko wala po akong e-services tab? mat2 na lang po isusubmit ko nakapanganak na po ako nung november 3 2022 thank you po