Mga Madalas na Tanong Tungkol sa SSS Maternity Benefit

Ito ang mga mga madalas na tanong Tungkol sa SSS Maternity Benefit application:

Shared by Yezha Gariando on the SSS Maternity Benefits Q&A group

Contents

Mga Madalas na Tanong Tungkol sa SSS Maternity

Ano ang DAEM (Disbursement acct.)?

Dito papasok ang perang matatanggap mo mula sa maternity benefit ni SSS.

Paano mag enroll sa DAEM?

—- Pindutin ang “E Services” Piliin ang “Disbursement Modules” at Pindutin ang “Disbursement acct. Enrollment module”. —-

(Pwedeng online banking at E-wallet /mlhuillier acct. Ang inyong gamitin) ang pag apruba ni SSS ay depende sa acct. Validation na iyong gagamitin. Siguruhing verified ang acct. Kung Gcash ang gagamitin). Lahat ng kahit na anong acct. Ay dapat sa inyo lamang nakapangalan.

1. Paano po mag file ng mat 1 online?

– Kung meron kanang sss online acct. Sa portal ni SSS , Punta ka sa “E-Services” piliin ang “Benefits” at Duon piliin ang “Submit maternity notification” (note: kapag employed ka at si employer ang naghuhulog sa acct. Mo, madalas Sa kanila ka dapat magpasa ng requirements ng mat 1.

2. Magkaiba pa po ba yung mat1 sa mat2?

-Yes po magkaiba po. Mat 1 ang magsisilbing notification mo kay SSS na ikaw ang nagdadalang tao. ( Walang hinihinging documents dito sa online ) IMPORTANTE MO ITO

– Mat 2 naman ang final filing pagkatapos mo manganak/kapag nakunan ka kung saan kakailanganin mong ipasa ang mga documents na hinihingi nila. Para makuha mo yung sapat na benepisyo ni SSS base sa contribution mo o hulog na qualified sa months of contingency mo.

3. Ano ang kailangan kapag voluntary member ka at nag apply ka for Mat2?

— Hinihingi ni SSS sa mat2 filing ay ang

“Birth Certificate ng bata na naka CTC(Certified true copy) may tatak ng cityhall. (Basta may mat1 kana, Birthcert nalang ni baby ang kailangan)

4. Paano kapag dating may employer tapos Voluntary na ngayon?

– Hinihingi ni SSS ang “Birth cert na naka CTC” kasabay ng “Certification of separation with non cash advance na manggagaling sa inyong employer” (nagpapatunay na wala po kayong natanggap na benepisyo)

5. Paano kapag AWOL po ako at wala ng contact kay employer / hindi po makahingi ng certification kay employer?

— Maaari kang magsubmit ng “affidavit of undertaking” na naka notaryo/notary public ng attorney. (Mahalagang tama lahat ng nakalagay sa affidavit. I double check kung tama ang pangalan ng company na huling naghulog sa SSS mo. Makikita iyon sa “Inquiry” at pindutin ang “Employment history”. Pati na rin ang date of separation) NASA COMMENT SECTION ANG KOPYA NG AFFIDAVIT NA PWEDE NYO IPA PRINT.

6. Magkano po ba ang pagpapa notaryo ng Affidavit?

— 100-200 pesos po. Depende sa singil ng atty.

7. Paano po magsubmit ng mat2?

— Pindutin ang “E-services”

Piliin ang “benefits” at piliin ang “Apply for maternity benefit”

8. Paano po malalaman kung eligible ka/makakakuha ka ng benefits at kung magkano ito?

— Pumunta ka sa ‘Inquiry’ pindutin ang “Eligibility” at pindutin ang “sickness/maternity”

Ilagay ang petsa kung kailan manganganak base sa ultrasound mo. (Hindi pa naman ito ang saktong petsa mo pero dito mo makikita ang total ng pwede mong makuha kung ikaw ay pasok sa hulog.)

— note: Ang pwede mong makuha ay depende sa iyong hulog. At kung wala kang late payment.

9. Paano po kapag di nakapag submit ng mat1?

– Kasabay ng birth cert. Na may CTC, maaari mong isama ang hospital record / Ultrasound / Ob record. Para sa proof of birth. (Ipa Scan upang malinaw na mabasa ni SSS) MAHALAGANG CTC(CERTIFIED TRUE COPY SA OSPITAL/OB MO)

10. Paano po kapag nakunan?

– Diretso mat 2 filing.

Ipasa ang “histopath record” ; “OB history” ; “Med Cert” ; Ultrasound (nung ikaw ay nagbubuntis pa) ; Confinement record/Hospital record ; Litrato ng pregnancy test na positive nung nagbubuntis pa at negative naman pagkatapos makunan.( ITO ANG DOCUMENTS NA KATUMBAS NG BIRTHCERT PARA SA MGA NAKUNAN )

11. Ano po yung pregnancy no. Dun sa Mat2 filing?

— Ito ang bilang ng iyong pagbubuntis (kung pang ilang pagbubuntis na) mahalagang tama ang nakalagay rito base sa birth certificate na iyong ipapasa. I double check kung pang ilan ang nakalagay sa Birthcert na ipapasa. (Kasama ho ang miscarriage sa bilang) IWAS REJECT

12. Ilang araw ang process bago malaman kung approve na ni SSS ang mat 2?

– 5 hanggang 7 days (di kasama ang holidays at weekends)

13. Paano po kapag late filing?

– “PSA scanned copy” ng birthcert ang madalas na hinihingi ni SSS. Isama ang ultrasound at iba pang proof or birth kung hindi nakapagpasa sa mat1. Isama rin ang cert of separation with non cash advance/ affidavit of undertaking. Kung ikaw ay dating employed ng mga panahong pinagbubuntis mo ang iyong anak at umalis sa trabaho.

TIPS

  • 1. Mahalagang naka Scan( Ang scan ay parang xerox pero colored po ito, kung anong kulay ng documents ay syang dapat na kopya ng ipapasa nyo ) ang lahat ng documents para malinaw na mabasa ni SSS lahat ng information. IWAS REJECT
  • 2. Dapat walang putol o erasure ang documents
  • 3. Ang ctc ay dapat na colored (kita ang tatak na blue)
  • 4. PDF file ang kailangang ipasa dahil hanggang 3mb lamang ang pwedeng mai attach sa online filing ng mga documents sa mismong “proof of delivery”
  • – Maaari po kayong magdownload ng “Image to Pdf application sa playstore” para ang mga napa scan na documents ay mai convert to pdf. At sama sama.
  • 5. Sa mga kasal na at hindi updated ang SSS kakailanganin nyo po munang i update ang iyong record para hindi ma reject.
  • 6. I double check kung tama ang date of separation, at name of company pati ang iba pang impormasyon para hindi ma reject.
  • 7. Nasa inyo kung Cam scanner ang gagamitin nyo. Pero mas makabubuting Ipa scan sa computer shop ang mga documents para sa malinaw na resulta ng kopya. (IWAS REJECT)
  • 8. Kapag naiconvert nyo na sa app ang image to pdf file. Ipangalan nyo sa file na i sesave ang documents na nilalaman nito.

Related Articles:

Paano makakuha ng P70k na maternity benefit sa SSS (P80k kung solo mom)

Ano ang mga document requirements para mag-apply for SSS maternity benefit?

What is semester of contingency?

how to get sss maternity benefit

This Post Has One Comment

  1. Noelen Rivera

    Hello! Ask ko lang po kasi nakapag file na po ako ng Mat1 and DAEM kaso di ko pa pala na uupdate Sss status ko. Married na pala ako ngayon . di ba ako ma disapprove if mag file na ako ng mat2? or need ko ba talaga sya e change from single to married? yung daem and mat1 ko po kasi single pa po ang naka registered dun . pa help naman po . salamat po ☺️.

Leave a Reply