Paano makakuha ng P70k na maternity benefit sa SSS (P80k kung solo mom)

Sa halagang 16,980 pesos na contribution mo, pwede kang makatanggap ng 70,000 pesos na maternity benefit sa SSS.

Atin pong hihimay-himayin kung paano makakuha ng 70,000 pesos na ito na sobrang makakatulong lalo na kapay may bagong anak. Possible pong makuha ninyo ang halagang ito basta aalamin ninyo ng mabuti ang proseso at requirements.

Ito na po ang mga hakbang:

Contents

1. Alamin ang iyong semester of contingency base kung kailan ka manganganak.

Ano ang semester of contingency? Ito po ang binubuo ng dalawang (2) kwarters na napapaloob ang buwan na manganganak ka.

Ang isang taon po ay kay apat (4) na kwarters:

1st quarter: Jan-Mar

2nd quarter: Apr-Jun

3rd quarter: July-Sep

4th quarter: Oct-Dec

Ang semester of contingency ay binubuo ng dalawang (2) quarters na nagtatapos sa quarter na kabilang ang iyong buwan na manganganak ka.

2. Maghulog ng 16,980 pesos na contribution sa SSS 12 months before your semester of contingency

Bumilang ka ng labindalawang (12) buwan pabaliktad mula sa iyong semester of contingency.

Ang resulta ay nangngahulugang dapat ka maghulog ng at least anim (6) buwan na contribution sa halagang 2830 pesos. So 2,830 x 6 months = 16,980.

sss semester of contingency 2023

3. Mag-submit ng MAT1 form bago manganak

Kapag nalaman nyo na kung kailan kayo dapat maghulog ng SSS contributions ay magpasa na po kayo ng MAT1 form sa SSS habang buntis pa kayo.

Kapag hindi kayo nakapasa nito bago ka nanganak, hindi ka na makakuha ng benefit MALIBAN na lang kung hindi niyo alam na kayo ay buntis o kayo ay nakunan. In this case, kailangan magpasa ng karagdagang patunay na nabuntis talaga kayo ngunit di niyo lang alam.

Basahin dito kung paano mag-submit ng MAT1 sa SSS.

Halimbawa: Sample Question & Answer

Kumuha kayo ng papel at lapis/bolpen para mas madali ninyong ma-lista ang mga isasagot ninyo sa mga tanong ko:

1. Ano ang iyong expected month of delivery:

Sagot: May 2023

2. Alamin ang iyong semester of contingency. Tingnan ang listahan:

sss semester of contingency 2023

Congrats! Ngayon alam mo na ang iyong semester of contingency. Next step na po tayo.

5. Base sa sagot sa (4), ngayon alam mo na na dapat kang maghulog ng 2830 pesos ng anim (6) na beses sa alinmang buwan ng taong 2022.

Maghulog ka na ng 16,980 pesos na contribution sa SSS! 

Basahin sa artikulo na ito kung paano maghulog ng SSS monthly contribution.

4. Mag-submit ng documents sa SSS online or sa SSS office.

  • Habang buntis ka o bago ka manganak, magpasa ng MAT1 form online o pumunta sa pinakamalapit na SSS branch.

Basahin sa artikulo na ito kung paano magsubmit ng MAT1 form.

  • Pagkatapos mong manganak, magsubmit ng karagdagang requirements. Pwede naman niyo itong gawin sa loob ng sampung (10) taon.

Basahin sa artikulong ito kung ano ang mga dokumentong dapat ipasa sa SSS pagkatapos mong manganak.

  • After ka mag-submit ng lahat ng dokumento, hintayin sa loob ng 30 days na pumasok sa iyong bank account ang 70,000 pesos. Kapag kayo ay solo parent, ang iyong matatanggap ay 80,000 pesos.